Step Thirty-three:

1345 Words

Step Thirty Three - Nakangiti kong sinalubong si Harold nang bumaba s’ya mula sa kanyang kotse. Nakasuot s’ya ng kulay baby blue na t-shirt at simpleng fitted black jeans pero napakagwapo na kaagad ng dating n’ya. Kaya siguro hindi ko rin naiwasang mahulog sa kanya, eh. “Hi,” bati ko sa kanya. Ngumiti s’ya nang malapad at saka hinawakan ang kamay ko. “Hi din, my love.” Pakiramdam ko ay namula ako roon. Sa simpleng salita lang n’ya, kinikilig na ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na mahuhulog ako ng ganito kay Harold. Iyong tipong sobrang nahulog ako na hindi ko na kayang umahon pa. “Saan tayo pupunta?” kuryosong tanong ko. Pinagbuksan n’ya ako ng pinto papasok sa kotse n’ya bago s’ya sumagot. “Secret.” Ngumuso ako at umirap sa kanya. Ang daming alam, may pa-secret

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD