Step Thirty Four. - "Love, please listen to me." Napahinto ako sa paglalakad nang hablutin ni Harold ang braso ko. Agad ko naman siyang nilingon. "Anong pakikinggan ko? Ang mga kasinungalingan mo?" Tanong ko, pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. "No, I'll tell you the truth. But please, listen to me." May pag aalala sa mukha n'ya. Putlang putla na rin s'ya. "Go on." Hinawakan n'ya ang braso ko ng mas mahigpit. Luminga linga s'ya sa paligid dahilan para tingnan ko rin ang mga taong nakikiusyoso sa amin. "Mag usap tayo sa ibang lugar," sabi ko at saka naglakad na pabalik sa kotse n'ya. Ayokong gumawa ng eskandalo. Ayoko sa lahat iyong may mga nakakakita ng kahinaan ko. Kung tutuusin naman, hindi na kailangan pang magpaliwanag sa akin ni Harold. Pero hind