Step Thirty Five. - Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ang kabaong ni Stella. Hindi ko alam kung paano pa dumiretso sa paglalakad. Parang ayoko s'yang makita... "Kray?" Nagtatakang tawag sa akin ni Allan nang mapansin n'yang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nilingon ko si Allan at marahang ngumiti, pilit pinapawi ang kabang lumulukob sa aking dibdib. "Parang hindi ko kayang tingnan si Stella," pag amin ko. Matamlay na ngumiti sa akin si Allan at hinawakan ang kamay ko. Hinila n'ya ako papunta sa harap ng ataul ni Stella. Natulala ako, si Stella... Hindi parin ako makapaniwala na nandyan na s'ya, iyong karibal ko kay Harold. Wala na s'ya... "Ang aga mo namang nawala..." bulong ko sa aking sarili. Ang aliwalas ng mukha ni Stella. Na parang masaya s'ya nong namatay s