HAZEL POV "Paulo ayoko na. Nakokonsensya na ako. Nagagalit na sakin si larry baka makipaghiwalay sakin si larry kapag tinuloy natin to---" "Nasisiraan ka na ba ng ulo hazel? Alam mong ginagawa lang natin to para ilayo si chacha sa lalaking yun diba?" "K..Kahit na. Napapagod nako mag isip tuwing gabi." Nasa loob sila ngayon ng coffee shop. Nakipagkita siya kay paulo upang umatras na sa kanilang plano "Hindi ka pwedeng umatras hazel. Nagastos mo na yung pera--" "Babayaran ko nalang" "Bayaran mo? Wala ka ngang pera dahil wala ng trabaho yung asawa mo. Ang taas din kasi ng pride ni larry." Napapailing iling pa si paulo mukhang naiinis ito sa desisyon niya "Pero ayoko na talaga. Hayaan na natin si Chacha sumaya kay kevin. Nagawa ko lang naman to dahil natatakot akong mawalan ng trabaho

