Chapter 43 "Excuse me.. Padaanin niyo ako jowa ko yung vocalist diyan. Ano ba? Padaan!" Nakikipagsiksikan si Chacha sa mga tao dahil pinagkaguluhan ng mga ito si Kevin. Natangap ito bilang vocalist ng isang banda sa isang Bar. Year 2013 palang palagi nang inaaya si Kevin ng kaibigan nitong si Jasper na bumuo sila ng banda. Ngunit iba ang pangarap ni Kevin. Mas gusto ni kevin matupad ang pangarap ni Chacha na magkaroon ng sariling bakeshop kaya pinagpursigihan nitong itayo ang Cakes for sweetheart company. Pinasara lang ni Mr.Song ju ang CSC kaya ngayon wala nang ibang paraan upang kumita ng pera. Ayaw sana nitong tangapin ang offer sa pagiging band vocalist dahil ayaw nito ng public attention. Ngunit malaki ang sahod kaya naman kinontak nila si Jasper. Mabuti nalang may sarili na

