"What are you doing?' tanong ni Jordan sa Akin. Kakatapos lang niyaNG mag-prepare ng dinner namin. In fairness kaya nahuhulog lalo ang loob ko dito. Maalaga siya sa akin. Sa amin ni Xander. He make it a point na pagsilbihan ako lagi pag nasa labas na kami ng SS at hindi na boss-secretary ang sitwasyon namin. "Hinahanap ko yung file mo ng presentation mo dito sa laptop mo." "Why?" painosenteng tanong nito. Hindi ko napigilang itirik ang mata ko. "Akala ko ba gagawin natin yung presentation mo for the board meeting?" "Sinabi ko ba yun?" maang-maangan nito. "So, pakana mo lang to para hindi ako makipag dinner kay Blue?!" "Tara na. Let's eat. Lalamig ang pagkain." at saka ito nagpatiuna nang pumasok sa dining area.