CHAPTER 32 - FLOWERS

1294 Words

        Mabigat ang katawang pumasok ako kinabukasan. Paano ay wala kaming naging pagkakataong magkausap ni Jordan kahapon. Hindi na nilubayan ito ni Xander na maglaro sila. Pagdating naman ng hapon ay nagpaalam ito agad nang nakatanggap ng tawag. Marahil ay ang Mama niya ito.         Inilapag ko lang ang bag ko sa upuan at saka dumerecho na sa pantry. May sama man ako ng loob kay Jordan ay hindi ko rin ito matiis na hindi ihanda ang gagawin kong kape niya.         Saka naman may narinig akong tumawag sa pinto.         "Good morning, Mam Xandra...may nagpapabigay lang po nito..." nakangiting bati ng janitor na naka- assign sa area ko.         Nakita kong may hawak itong naka-flower arrangement na mga roses. Naglakad ako palapit dito at saka kinuha dito ang roses.         "Salamat..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD