NASA paanan na sila ng bundok, nakatingala silang lahat sa magagandang tanawin sa paligid. Purong berde ang halos makikita sa kabuoan ng bundok, at halos abot na nito ang mga ulap na may kulay ng pagka dalandan at pink. "Wow! First time kong makapunta dito and it's amazing!" namamanghang ani ni Zeira. Nasa tabi ito ni Gaia habang naka-angkla ang braso sa kanang braso niya. Nasa kaliwa naman niya si Rania, habang ang mga lalaki ay nasa likuran nila. "Hindi tayo pumunta dito para mag sight seeing kaya kumilos na tayo." Napairap si Gaia sa pambabasag ni Zhyke sa kanila. She also heard Zeira grunted and Rania hissed. Napaka-kill joy kasi ng lalaki. "You're no fun at all, Zhyke!" sigaw ni Rania kay Zhyke na nauna nang maglakad papasok sa gubat. Wala naman silang nagawa kun’di ang s