NAKALABAS na si Gaia sa infirmary at nalaman niya sa kaniyang mga kaibigan na talong linggo pala siyang nakahiga doon. At naaalala na rin niya kung bakit siya napunta sa infirmary, muntik na siyang mamatay. Ang naaalala lang niya ay paglamon ng tubig sa kaniya, and the rest ay wala na siyang maalala. Sinabi din nila na huminto na daw ang kakaibang pangyayari sa Acequia. Maraming nangyari sa tatlong linggo na walang malay si Gaia. Isa na rito ay ang tuloyang pagkakadakip sa vigilanteng grupo na HUNTER. Mga alagad pala ito ng mga siyentipiko na gustong pag-aralan ang pagkakaroon ng ability ng isang tao. Nagbabayad sila ng mga taong may abilidad para ang mga ito ang kumilos para sa kanila. And that explains Zeira’s abrupted ability for almost a week. Mabuti na lang at walang naging masama