HINARAP ni Gaia ang kaniyang mga kaibigan. 'Katapusan ko na ba?' usal pa niya sa kaniyang sarili. Nginitian niya ang mga ito at pagkatapos ‘non ay naramdaman na niya ang pagdaloy ng tubig sa kaniyang katawan. At ngayo’y pinipilit ni Gaia na mai-ahon ang ulo sa ibabaw para makahinga at makita ang paligid. Ngunit may pwersang humihila sa kaniya kasama ng tubig pabalik sa pusod ng dagat. Pigil niya pa rin ang kaniyang paghinga, ginagawa niya ang lahat para makawala sa pwersa at makabalik sa lupa. Ikinawag-kawag niya ang kaniyang mga kamay at paa para makalangoy, nilalabanan din ang malakas na pressure ng daloy ng tubig. Ngunit hindi niya ito kaya. Kalikasan laban sa tao, imposible nga namang manalo siya. 'Walang magagawa ang isang hamak na mortal na kagaya mo sa tubig ko. Tanggapi