NATAGPUAN ni Gaia ang sarili sa harap ng isang malaking pintuan. At may naririnig siyang mga boses na nagmumula doon. “Anong kahangalan ito, Demitre? Talaga bang paiiralin mo ang pagkagahaman kapalit ng kaligtasan ng mundo natin?” Pasigaw na sambit ng isang lalaki. Hindi makita ni Gaia kung sino ang mga nagsasalita. “Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pa nating pakisamahan ang mga mabababang uring mga nilalang! Tayo ay diyos at ang higit nakakataas sa lahat. Dapat tayo ay sambahin at luhuran, hindi iyong itinuturing natin silang kalebel natin!” Patuloy pa rin ang sigawan mula sa loob ng silid na nasa harapan ni Gaia. Napalingon-lingon siya sa paligid dahil hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na kinatatayuan niya ngayon. Puro kadiliman lang din ang nakikita niya sa