SUMALUBONG kay Gaia ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw kaya muli siyang napapikit. At unti-unti na niyang idinilat ang kaniyang mata para maka-adjust sa paligid. Putting dingding, putting kurtinang nakatabing at amoy ng medisina ang mga napansin niya. Kaya naisip niyang nasa infirmary siya. Nang akmang tatayo si Gaia ay biglang kumirot ang kaniyang ulo at kasabay ‘non ay pagbalik ng mga alaala sa mga nangyari kahapon. Isang dambuhalang kulay itim na aso na may tatlong ulo, iyon ang tumatak sa kaniyang isipan. “Oh you’re awake, pretty fast recovery huh?” Napatingin si Gaia sa may kurtina ng lumihis iyon at nakitang si doc James iyong nagsalita. May dala itong gamot at bote ng mineral water. Tiningnan ni Gaia ang orasan na nasa dingding at nakitang alas onse palang ng umaga.