NAGMAMADALING bumaba si Bernice sa taxi na kinalulunan niya matapos makapagbayad. Ewan ba niya kung bakit pa siya nagmamadali gayong resulta lang naman ng bar exam ang titingnan niya. Excited na siyang malaman kung pasado ba siya dahil lahat ng efforts ay nilaan niya para doon. Ginawa na niyang umaga ang gabi para lang makapag-aral. Idadgdag pa na sa kabila ng pag-aaral niya, kailangan pa din niya gampanan ang tungkulin niya bilang ina ni Amaris at maybahay sa asawa niya. She didn’t where did she got a strength to multitask. Nakisiksik siya sa mga kapwa niya bar exam takers na tumitingin din sa resulta. Nang magawa niyang pumunta sa pinaka-unahan, agad niya hinanap ang pangalan niya. Halo halong emosyon na ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Patuloy niya sinuyod ang listahan ng mga