“WHAT ARE YOU DOING HERE?” tanong ni Bernice sa asawa niya. Naabutan niya itong nasa kwarto ni Amaris at matamang pinagmamasdan ang natutulog nilang anak. “Hinahanap ka ng mga pinsan mo,” aniya pa dito. Yumakap siya dito mula sa likuran saka pinagmasdan din si Amaris. Kakauwi lang nila mula sa reception ng binyag ni Amaris. Nagdesisyon na magbond ang magpipinsan sa bahay nila dahil matagal simula daw huli ng nagsama sama ang mga ito. “Literal na mabait kapag tulog ang anak natin.” She giggles upon hearing those from Macoy. Three months na si Amaris at kahit paano nakakatulog na sila ng diretso dahil hindi nanggigising ito para magpatimpla ng gatas. Nagbago din ang sleeping pattern ni Amaris at madalas na gising ito sa umaga hanggang hapon. Matakaw ito sa gatas na sinabi ng mga biyenan ni