“DO you love my brother now, Bernice? What happened? I thought you hate him because he easily agreed to marry you.” Napabaling ang tingin niya kay Cali. Seryoso ito at matamang nilalaro ang yelong laman ng basong hawak nito. Nahimas niya ang tiyan niya nang maramdaman niya ang pag galaw ng anak niya sa loob. Sinandal niya ang likod niya at nakadama siya ng ginhawa. If Macoy was there, he’ll put a pillow on her back now. Napangiti siya nang maalala ang mga simpleng ginagawa ng asawa niya para maging komportable siya. “What’s with the air? Ang awkward guys. Bakit ang seryoso mo, Cali?” tanong ni Paola dito. Tinabihan siya ni Paola saka humilig ito sa balikat gaya nang palaging ginagawa nito noon. “I want to know kasi the last time I check, nakikipaghiwalay na siya sa kapatid ko.” Diretsong