HAPLOS sa pisngi at magaan na halik sa kanyang noo ang siyang gumising sa kanya. Marahan niya minulat ang kanyang mga mata. Agad na sumalubong sa kanya ang mukha ni Macoy na nakangiti. Dahan dahan siya nag-inat saka matamang sinipat ang paligid. Napansin niyang nasa tapat sila ng isang bahay na kamukha ng bahay nila sa Korea. Inisip niya bigla kung nakabalik na ba sila ng Pilipinas o nasa Korea pa din sila. Napatingin siya dito. “Doon mo na sa loob ituloy ang tulog mo,” ani Macoy sa kanya. “Kanino bahay ‘yan?” tanong niya. “Sa atin. I bought that before I went to you in South Korea. Kasi nga di ba ang balak ko ibalik ka dito pero mas nakumbinsi mo ako na doon tumira. And since that you decided to give birth here, that house will be our home while waiting for our baby.” Paliwanag nito sa