SINALUBONG ng malakas na pang-aasar at boo ang koponan ng Canubing 1 dahil sa nangyari. May ilan pa ngang mga kababaihan na sinigawan si Baron sa pag-upo nito sa kanilang bench. Lahat sila ay galit na galit sa player na si Semeron dahil sa ginawa nito sa kanilang hinahangaang si Harold Salazar. Inaasahan na ito ni Kap, lalo na nga’t parang home court na ng kanilang kalaban ang venue. Sandali pa siyang napatingin kay Baron na alam niyang nahimasmasan na sa pangyayari. Maging siya ay nadismaya rin sa ginawa nito dahil mas pinairal nito ang init ng ulo sa loob ng court. Parang ayaw tuloy niya itong paglaruin sa sunod na game. Alam niyang kailangan niya ang galing nito sa basketball, pero para saan pa ang kanyang pagiging team coach kung hindi niya ito didisiplinahin? “Baron, next game