SA GITNA ng pakikipag-away ni Baron sa isang kalaro sa basketball na ayaw magbayad sa kanilang pustahan ay hindi niya inaasahang makikilala ang dalagang si Arriane. “Ibibigay mo rin pala. Gusto mo pang masuntok,” sambit ni Baron na kinuha ang perang iniabot ng lalaking dumurugo ang ilong dahil sa kanyang ginawa. Kasama niya ang kanyang mga katropa at ito naman ang bumugbog sa mga kakampi ng kanilang tinalong grupo sa isang barangay. Nagkabigayan sila sa likuran ng cover court ng lugar at hindi nila inaasahang aangasan sila ng mga talunang iyon. Tumatawa nilang iniwanan ang mga nabugbog na lalaki kaso, isang babaeng nakasalamin ang makikita nilang pinapanuod ang kanilang ginawang iyon. Napansin iyon ni Baron, kaso, hinayaan lang niya iyon dahil wala rin naman itong magagawa. “Ik