SABADO, maagang gumising si Ricky para sa kanyang palagiang ginagawa. Kahapon nga ay hindi niya ito nagawa dahil sumakit ang kanyang katawan dahil sa game nila noong Huwebes. Kagabi nga ay naka-chat na niya si Harold Salazar, at mamayang hapon, sa oras na alas-kwatro ay pupunta siya ng Lalud para labanan ito. Ang sinabi niyang kagustuhan niyang hindi na ito maglaro ng basketball kapag natalo niya ito ay naisip lang niyang sabihin. Gusto lang niyang ilampaso ito dahil pakiramdam niya ay masyado itong bilib sa kanyang sarili. Kagaya ng palagi niyang ginagawa, matapos ang push-ups at sit-ups ay lumabas na siya ng kanilang bahay na dala ang kanyang bola. Pinatalbog niya iyon habang tumatakbo. Maririnig na naman sa paligid ang tunog niyon. Ang iba ngang ka-barangay niya ay lumabas para siya