BAHAGYANG nagulat ang nanay ni Ricky nang makita niya ang kasama ng kanyang anak. Nakasuot siya ng pang-alis at tila may pupuntahan ito. Inisip pa nga niya kung kailan niya ito nakita, at kanya ngang naalala ito. “Si, Andrea nga... ano?” nangingiting wika ng nanay ni Ricky sa dalawa at si Andrea ay mabilis na nagmano rito. “Opo, Tita,” wika ni Andrea na nginitian kaagad ito. “Ibang babae na naman ang dala mo ah,” mahinang winika ng nanay ni Ricky at dito na nanlaki ang mata ng dalawa. “N-nay?” ani Ricky at napatingin kaagad siya kay Andrea na masama ang tingin sa kanya. “Biro lang,” natatawang tugon ng ginang at nagtinginan pa ang mag-ina. Dito nga ay binati niya ang anak dahil alam niyang panalo ito sa game. Mabilis niyang kinuha ang gamit nia dala ng anak at kumuha ng