Chapter 56:

2046 Words

Gulat na gulat si Frank sa nadatnan sa kanilang bahay, hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon. "O, anak, hindi mo ba yayakapin ang anak mo?" untag pa ng ina sa kanya. "Tita, baka po masyadong nabibigla si Frank," awat naman ni Antonette sa kanyang ina. "Naku, hija, ilang beses ko bang sabihin na tawagin mo na akong, Mama dahil hindi ko hahayaan na hindi ka panagutan nitong si Frank. Dapat kasi ay sinabi niyo agad sa amin para naman nalaman agad namin na may apo kami," turan ng kanyang ina. Halos hindi makapaniwala si Frank sa kanyang naririnig. Ipapakasal siya ng mga magulang kay Antonette. "Wait, mama, tama ba ang naririnig ko? Pakakasalan ko siya?" maang niya sa ina na noon ay natigilan at nanlalaki ang kanyang mga mata. "Yes, sa ayaw at sa gusto mo," matigas na turan ng ina. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD