Mainit ang naging palitan ng tingin nina Frank at Henry, walang nais magbitiw ng tingin alinman sa kanila. "Kung kaya mong magbago para sa kanya, ganoon din ako, Henry, akin lang si Valerie," matigas na turan niya saka inayos ang suot niyang bahagyang nakusot. "Hindi ko hahayaang paglaruan mo lamang si Valerie gaya ng ginawa mo kay Antonette," mariing turan ni Henry. Sa narinig ay naalala niya ang babae at ang plano ng magulang na ipakasal siya rito. Napatingin siya ng matiim sa mukha ni Henry at bakas doon labis na pagkagusto kay Valerie na noon ay nakalabas na sa kanyang opisina. "Makakaalis ka na, Mr. Hernaez," malumanay na turan. Naguguluhan si Frank kung ano ang gagawin sa sandaling iyon. Ayaw niyang makuha ni Henry si Valerie pero nangangamba siya lalo na at desidido ang ina na