Dumating na nga ang kinakatakutan ni Valerie, ang oras na kailangan na niyang iwan si Frank. Handa naman siya sa bagay na iyon pero hindi lang niya inaasahan na masyadong maaga para maputol ang lahat sa kanila, kahit alam niyang walang masyadong malinaw na relasyon sa kanilang dalawa. Napaupo siya sa kanyang upuan at pilit na hinahamig ang sarili, pilit niyang itinutuon ang buong atensiyon sa trabaho pero hindi magawa. Bigla-bigla ay natulo ang kanyang mga luha bagay na hindi niya naitago kay Gemma, na hindi namalayan na nasa kanyang harapan na pala. "Are you okay," tinig nito na gumulat sa kanya. "Gemma?" gulat na sambit. "Yes, ako nga, ayos ka lang ba?" nasa tinig at mukha ang labis na pag-aalala. Umiling siya at hindi niya napigilang mapaiyak muli dahil tila nakakuha siya ng simpat