Nalulumo si Frank sa nakitang sakit sa mga titig ni Valerie sa kanya, gustuhin mang makipagmatigasan sana dito ngunit alam niyang sa huli ay mas lalo itong masasaktan kung hindi pa ito palalayain. Walang lingon-lingon siyang iniwan ni Valerie, hindi niya lubos-akalain na masakit din pala kapag siya ang iniwan. Nasanay siyang, siya lagi ang nang-iiwan kaya kahit gusto niyang pigilan ang sekretaryang lumabas ay hindi na ginawa. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay napasapo siya ng dalawang palad sa kanyang mukha at inihilamos ang mga iyon saka nagpamaywang. Nagtungo siya sa may salaming dingding ng kanyang opisina at doon ay tumanaw. Dahil maliwanag sa labas ay bahagyang nakita ang repleksiyon ng sarili, hindi man ganoon kalinaw pero nasisilip roon ang mukha at hindi maipagkakailang malung