Isang tikhim ang nagpabalik kay Valerie sa kanyang kaisipan. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagpahid siya ng luha sabay dilat ng mga mata at doon ay nasumpungan ang mukha ng mama ng boss. Hindi tuloy niya alam kung papaano kikilos sa harapan nito lalo na ay hindi malaman kung ano ang iniisip nito base sa ekspresiyon ng mukha nito. "Ma'am," turan nang makabawi. Mula nang kausapin siya nito noong isang araw ay nahiya na rin siyang tawagin itong tita. Hindi nagsasalita ang ginang bagkus ay nakatingin lamang ang matiim sa kanya, bagay na mas lalong nagpapakaba sa kanya. "Ma'am, may mga kausap po ngayon si Sir but I can—" putol na turan nang magsalita ito. "It's okay, I just really came here to talk to you," pormal na turan nito na sa mga mata ang pagdududa kung bakit siya naluluha noong da