Kapwa natigilan sina Valerie at Gemma sa paglabas ni Catherine sa opisina ng kanilang boss na galit na galit. Hindi nila maiwasang magkatinginang dalawa, bagay na ipinagpapasalamat na rin ni Valerie dahil nawala sa kanya ang pansin ni Gemma. Nang mapansin ni Catherine ang kanilang mga tingin ay nabaling sa kanila ang galit nito. "Ano'ng titingin-tingin niyo diyan?" mataray na tanong nito saka tumalim ang titig nito sa kanya. Tila gusto nitong magsalita pa pero dahil kasama si Gemma ay nagpigil ito. Mukhang naramdaman kasi ni Gemma na aatakehin siya nito kaya hindi ito umalis kahit sa kabila ng ipinapakilang tingin ng babaeng kalalabas lamang mula sa opisina ni Frank. "Ano?!" galit na igkas nito. Wala silang nagawa ni Gemma kundi ang tingnan lamang ito. "Buwisit!" inis nitong turan sa