Hindi mapakali si Frank hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan nga ba si Valerie, kung magawa nga siya nitong pagsinungalingan ay malamang na hindi rin totoo ang sinabi nitong umuwi nga ito sa kanila. Pero kahit papaano ay umaasa pa rin siyang umuwi nga ito dahil hindi niya alam kung saan niya hahanapin ito kapag nagkataon. "Gemma, tapos na ba lahat ng papeles na kakailanganin ko sa Antique trip ko?" tanong niya kay Miss Gomez na muli ay acting secretary niya. "Yes, sir, everything are here," turo niya sa malaking envelop sa kanyang harapan. Sa mga mata nito ang pagtatanong bakit biglang nawala si Valerie pero hindi nito matanong. "Thank you, Miss Gomez, can you make me coffee, please," aniya rito dahil sumasakit na ang isip sa kakaisip kung saan ito hahanapin. "Valerie, nasaan ka