Walang inaksayang oras si Valerie matapos niyang makumbinsi na mauwiin si Frank ay itinuloy na niya ang kanyang pag-e-empake. Pagod at tila natuturete ang utak pero kinailangan niyang tapusin ang dapat niyang tapusin dahil ayaw niyang madatnan pa siya ni Frank doon. Mabuti nga at nagawa niyang kumbinsihin ito dahil batid niyang desisidido talaga itong huwag siyang iwanan lalo pa at niya ang nagkalat niyang mga maleta. Nakumbinsi niya itong uuwi na muna siya sa probensiya at magkikita na lamang sila sa susunod na linggo sa Antique kung saan ay may proyekto rin ito roon. Ngunit sinabi naman ni Frank na hintayin niya ito upang ito na ang maghatid sa kanya sa airport matapos niyang magsinungaling sa oras ng kanyang flight kaya pinandigan na lamang niya. Nasabi niya kasi ritong mga alas otso