Chapter 85:

2029 Words

Hinang-hina si Valerie matapos siyang sumuka nang sumuka kahit wala na siyang maisuka. Haplos ng kaibigang si Eloisa sa kanyang likod ang kahit papaano ay pumawi sa takot at pangamba sa kanyang dibdib. "Maupo ka muna," giya nito sa upuan sa kanilang maliit na mesa. Mabilis nitong pinatay ang apoy ng nilulutong tuyo saka siya sinalinan ng tubig. "Heto, inumin mo muna ito," tarantang asikaso ng kaibigan sa kanya. Mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ng kaibigan upang maibsan ang pagkauhaw at pagkahapo gawa ng pagsusuka kahit walang maisuka. Maya-maya ay umupo sa tapat ang kaibigan at matamang nakatitig sa kanya. "Buntis ka, alam mo ba 'yon?" seryosong wika nito. Umiling siya, kapwa magkahinang ang kanilang mga mata. "Ano'ng plano mo?" sunod na tanong ng kaibigan, bagay na hindi nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD