Pagkapasok nila Frank at kanyang Ninong Mauro sa loob ng opisina nito ay agad siya nitong tinanong. "What brought you here? For sure may mahalaga kang sasabihin o pakay?" agad nitong tanong. Ngumiti siya pero hindi agad sinagot ang tanong na iyon ng kanyang ninong. Umupo siya sa harap ng desk nito habang ito naman ay nagtungo sa mini fridge sa gilid ng opisina nito at naglabas ng bottle of water. Mukhang handang-handa ito kahit walang sekretarya dahil may sarili na itong mini fridge sa loob ng opisina. "I came because of your secretary," aniya na kinatigil nito na akmang ilalagay pa lamang ang tubig sa kanyang harapan. "My secretary?" maang na ulit nito. Matapos nitong ilapag iyon ay umikot ito at umupo sa kanyang upuan, matiim ang tingin nito sa kanya na tila binabasa ang nasa kany