Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ni Valerie habang papalapit nang papalapit sa kanya si Frank. Gustuhin mang humakbang patalikod pero hindi maigalaw ang mga paa, hindi rin niya nagawang tutulan ito sa ginagawa nitong paglapit hanggang sa tuluyang isang dangkal na lamang ang pagitan nila. "F-Frank," nauutal niyang wika. Sa kabila noon ay itinuloy pa rin nito ang paglapit sa kanya, naiilang na rin siya sa klase ng titig nito sa kanya ngunit sa kabila noon ay nasasabik siya sa halik nito. "F-Frank," ulit niyang usal nang hawakan na nito ang kanyang baba at bahagyang himasin iyon. "Shhhh!" awat ni Frank sa kanyang bahagyang pagtutol sa gusto nitong gawin. "I missed you so much, Valerie," masuyo nitong wika. "Frank," napapalunok na tawag niya sa pangalan nito. Isang matamis na ngiti ang