Inip na inip na si Fritz sa ipinangako sa kanya ni Catherine, parang sinusulsulan na siya ng kanyang isipan at kinukutuban na baka ginagamit na lamang nito ang ipinagbubuntis upang makatakas sa kasalanan nito at siya ang makulong. "Huwag mo lang ako tatraydurin, Catherine dahil kung tuso ka ay mas tuso ako," bulalas niya sa kawalan. "O, mukhang nagdadasal na naman itong kasama natin, ah," birong puna ng isa niyang kasamahan sa selda. Matagal na siyang inis na inis sa mga ito pero hindi pinapatulan dahil ayaw niyang makipag-away o lumubas ng may busal sa ilong. "Ano, pare, hinihintay mo pa rin ba ang syota mo upang iligtas ka rito?" diga pa rin nito sabay akbay pa sa kanya. "Naku, tiyak na nagpapakasaya na 'yon habang ikaw ay mabubulok dito," palatak nito sabay tawanan ng tatlo pa nilan