Matapos kausapin ang detective na inupahan upang hanapin si Valerie ay mabilis siyang tumayo. Dumaan lang siya sa kanyang opisina dahil doon, dahil pupuntahan niya ang kaibigang si Ken upang alamin ng personal ang bagay na itinawag nito sa kanya noong nakaraan tungkol kina Antonette, Henry at Valerie. Bigla kasing naputol ang usapan nila at nang ma-contact ito matapos ng halos kalahating oras ay wala na raw ang mga ito kung saan niya nakita. Gustuhin sanang sisihin ito kung bakit pinakawalan niya ang pagkakataon at hindi nilapitan si Valerie, 'di sana ay alam na niya kung nasaan ito. Ngunit alam niya namang may importante itong ginawa o meeting. Paglabas niya sa kanyang opisina ay nagulat pa si Gemma na noon ay abala ss mga nagkalat na folders sa ibabaw ng desk nito. "Miss Gomez, wala n