Chapter 77:

2005 Words

Walang nagawa si Antonette kundi ang umamin kay Henry nang ma-corner siya nito. Gustuhin mang itanggi pero tila inuusig siya ng kanyang konsensiya lalo pa at naalala ang anak, ayaw niyang dumating sa puntong kapag nalaman nito ang buong katotohanan ay kamuhian siya nito. "Uulitin ko, Antonette sa huling pagkakataon, ako ba ang ama ni Francheska?" mariing tanong ni Henry. Nanginig si Antonette, sa buong buhay niya ay ngayon lamang ulit siya nakaramdam ng pangamba at takot. Tumitig kay Henry at kita sa mga mata nito ang pang-uusig, kaya hindi na niya nagawang magsinungaling pa. "O-Oo, Henry, ikaw ang ama ni Cheska," ani Antonette na halos walang boses na lumabas sa kanyang bibig. "Alam ko, hinihintay ko lang na sa bibig mo mismo manggaling," tugon naman niya na agad na kinataas ng mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD