Nang marinig ang boses ni Frank ay biglang naalala ni Valerie sina Antonette at Henry kaya agad na ibinalik ang tingin sa mga ito, ngunit nakitang paalis na ang dalawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung bakit magkasama ang dalawa at base sa gesture nila ay tila may namamagitan sa mga ito. Ayaw man sanang mag-isip ni Valerie ng kung anuman pero iba ang pakiramdam niya sa pagkikitang iyon ng dalawa. Kaya nang bahagyang nakapag-isip ay agad na tinawagan muli ang kapatid na, agad rin naman nitong sinagot. "Hello, ate," usal nito na pabulong. "Nandiyan pa ba si Frank?" usisa sa kapatid. "Oo, ate, oh my God, muntik na talaga doon. Buti na lamang at nakapagsinungaling at nasabi kong katrabaho ko lamang ang kausap ko at hindi ikaw," palatak na turan ng kapatid. Muli ay nagtat