Hindi maiwasang pakatitigan ni Valerie si Frank, gusto niyang maawa rito pero mas naaawa siya sa sarili niya kung hindi pa niya ipagtatabuyan ito ngayon. "Frank, please, kahit lumuhod ka pa sa harapan ko ngayon," agap niya sa gagawin nito. Tumitig ito nang may pagsusumamo, tila matutunaw ang kanyang puso sa mga tingin nito. "Please, Valerie, huwag mo naman akong ipagtulakan papalayo sa 'yo, hindi ko kaya, mababaliw ako," pagsusumamo ni Frank. "Hindi ko ako naiintindihan, Frank, please umalis ka na," giit niya rito saka akmang papasok na loob ng kanilang apartment nang tuluyan itong lumuhod at niyakap ang kanyang hita. "Frank," gilalas pa niyang wika. Walang ibang iniisip si Frank sa sandaling iyon kundi ang makausap ng maayos si Valerie pero hindi niya inaasahan na ganoon ito katigas