Tuluyang gumaling si Antonette, kasabay ng paggaling nito ay pagkakamabutihan nila ni Henry. Hindi na maitatago ang namumuong pagtitinginan nila maging sa kani-kanilang pamilya. "Wala pa ba kayong aaminin sa amin?" magiliw na tanong ng mama ni Henry habang nasa isang hapunan sila. Nakangiting dumulog sina Henry at Antonette. "Well, siguro ay panahon na para sabihin namin sa inyo na kami na," masayang anunsiyo ni Henry habang nakayakap sa baywang ni Antonette na kapwa nakangiti. "Good to hear that, hijo, alam naming mapapabuti sa 'yo ang anak namin," ang magiliw namang turan ng mama ni Antonette. "Huwag kayong mag-alala, tita, dahil aalagaan kong mabuti ang anak ninyo," paniniguro naman ni Henry sa mga ito kasabay ng matamis nitong ngiti kay Antonette. Isang kurot sa tagiliran ang isi