Naging madamdamin man at masalimuot ang naging pagtatapat sa magulang tungkol sa kanyang kalagayan. Kahit papaano ay naging magaan naman ang dibdib ni Valerie, matapos ipagtapat sa mga ito ang tunay na sitwasyon. Ngayon ay may suporta siya mula sa kanyang pamilya kaya may lakas siyang harapin ang bukas sa gitna ng kinasusuungang problema. "Hindi ba't mas magaan sa loob ngayon dahil nasabi mo na rin ang dumadagan diyan sa dibdib mo?" tinig ng tiyahin habang nasa dyip na sila pauwi sa bayan nila. Kadadaan lang nila kay Ramil para sa pagkain ibinalot para dito. Mukhang malaking gusali ang pinapatayo ng mga ito. Muli ay naalala si Frank, hindi siya maaaring magkamali, si Frank ang lalaking nakita kaninang nakamasid sa kanya sa labas ng kanilang bahay. 'Nasa Antique kaya siya?' tanong sa kan