MAINIT ang hanging tumatama sa mukha ni Valerie, kasunod noon ng paggapang ng mainit na palad sa kanyang katawan. Hindi niya tuloy maiwasang ibukas ang mga mata at doon ay nakitang nakayakap pala siya kay Frank. Nang dumako ang mga mata nito sa kanyang mukha, nakita ang pagkagulat, akmang bibitawan na siya nito nang siya na mismo ang yumakap sa boss at siniil ito ng halik. Hindi alam kung ano ang nagtulak kay Valerie na gawin ang bagay na iyon, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na siya ang unang gagawa ng paraan upang halikan ang isang lalaki. Naramdaman niyang muli ang unti-unting paggalaw ng palad ni Frank sa kanyang katawan. "Hmmm!" ungol niya sa hindi mapaglabanang sensansyon. Mas naging mapangahas ang mga labi ni Frank, tumatakam at sumasabik sa kanya. Ibayong sensasyon ang binu