Matapos ng halos dalawang linggo ay tuluyang dumating ang araw na pinakahihintay ng pamilya ni Valerie, iyon ay ang pagtatapos ng kanyang kapatid. Matagal niyang planong surpresahin ang mga ito sa kanyang pag-uwi pero sa pagkakataong ito ay ibang supresa ang kanyang dala. May kaba sa kanyang dibdib habang lulan ng dyip papunta sa sentro tapos sasakay ulit ng tricycle papunta sa kabilang bayan. Maya-maya ay naramdaman niya ang paghawak sa kanyang palad. Iyon ay nakita ang kanyang tiyahin, tila ipinapaalala nito na naroroon lamang ito at handang umalalay sa kanya. "Huwag kang masyadong mag-isip, tiyak na maiintindihan ka nila," anito sabay pisil sa kanyang palad. "Salamat po, tiyang," aniya, laking pasasalamat niya sa suporta nito sa kanya at hindi man lang siya nito nagawang sumbatan o