Ilang sandali pa ay sunod-sunod na kalabog ang narinig ng ginang sa loob ng condo unit ng kanyang. Mabilis niyang pinihit ang pintuan nito at kitang nasa sahig ito, gayun pa man ay hindi nito magawang ihakbang ang mga paa dahil sa nagkalat na bubog ng bote. "What is happening here?" bulalas na turan. "Mom? A-Akala ko ba'y nakaalis na kayo?" gulat ding turan ni Frank nang makitang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang inang nanlalaki ang mga mata. Agad siyang napatayo buhat sa kanyang kinabagsakan, doon ay tinangka ng inang humakbang papasok. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Frank, hindi ka naman ganito?" gilalas ng ina nang magawa nitong makalapit sa kanya. "Mom, iwan niyo muna ako," muling giit dito. "Paano kita iiwan sa ganitong kalagayan, my God, Frank. Look what have you done," bulal