__41__ Naalimpungatan si Zed at nakapa kaagad ang tabi niya pero wala roon ang asawa niya. Nawala ang antok niya at tuluyang napamulat dahil baka umiiyak na naman sa sobrang pag-aalala sa kuya niyang pasaway. Nahagip kaagad ng mga mata niya ang lampshades sa may study table na nakabukas at naroon si Nissy sa malaking rocking chair nakaupo, natutulog. He stood up and walked towards her place. Tulog ito habang kalong ang pusa at bukas ang laptop. Sinilip niya ang kinabi-busy-han ng asawa at web page tungkol sa kung paano magiging perpektong maybahay ang nakita niya. Nag-aaral ba ito kung paano magiging perpekto para sa kanya? He smiled as he began to read a few lines, few suggestions and so on. Zed scrolled down the page. May nakita rin siyang mga comments sa ibaba tungkol sa kung paa