__28__ Kandahaba ang leeg ni Nissy sa pagtanaw sa sasakyan ni Zed kung nariyan na o wala pa. Nakaupo siya sa ibabaw ng nitso ng mga magulang at lolo niya habang naghihintay pero ang sabi na, coming back ay wala pa rin. Lumabi siya at tumingin sa cellphone niya. Binura niya ang text message ni Paul na binasa niya kanina pero ni hindi niya pinagkaabalahang i-reply. Wala na siyang kilig na nararamdaman sa mga salita ng ex-boyfriend na dati kulang na lang ay malaglag ang egg cells niya sa kilig kapag bumubuladas iyon ng salita. Bakit? Dahil alam niya na hindi siya ang kaisa-isang babae na sinasabihan ni Paul ng ganoon. Alam niyang marami sila at narinig niya itong nagsasalita kung gaano kaganda ang bobshell habang wala itong sawa sa pag-ulos sa babae. She prefers a man with few word