__29__ Sinipat ni Zed ang sarili sa harap ng salamin at sinalat ang panga. He’s preparing to see the live Ms. Earth 2018 just at the Philippine Arena. He chose to wear his black William Westmancott Ultimate Bespoke suit and had let his hair remained uncombed. Salamat na rin at wala na ang mga pasa niya dahil kung hindi ay talagang hindi siya sisipot para maging judge sa lintik na pageant na iyon. Pumasok si Nissy sa kwarto habang hawak ang sangkatutak na libro ng Accounting at ang scientific calculator ay kagat-kagat. Daig nito ang karpentero na may ipit na lapis sa isang tainga habang magulo at parang sinalag ng ibon ang buhok. Holy mercy. What the hell happened to my wife? Nagkatinginan sila sa salamin at parehas na umawang ang mga labi pero mas mukha itong tanga kaysa sa kany