CAMILLE POV "Mag-iingat ka." Saad ko kay Kate. Tumango siya at mahigpit akong niyakap. "Ikaw din ate." Nagsimula na syang naglakad habang kinakawayan ko siya. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na siya makita pa. Sumakay ako ng jeep papunta sa trabaho ko. Pagkababa ko, nasa labas na ng cafe ang mga katrabaho ko. Binuksan na ni Chris ang Cafe at nagkanya-kanya na kami ng ginagawa. Naging busy kami sa buong araw. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakakapagpahinga kami. Pagdating ng hapon. Kami na lang ni Chris ang naiwan sa Cafe. Nakauwi na ang ibang staff kaya si Chris na lang ang kasama ko. Pagod man ay natapos namin malinis ang Cafe bago kami nagsara. Hinintay kong maisara ni Chris ang Cafe. May ngiti sa labing hinarap niya ako. Nagulat ako ng bigla n'yang hinawakan ang kam