CAMILLE POV "Congrats Ms. Alvarez. Pwede ka ng magsimula bukas." Masayang tinanggap ko ang pakikipagkamay ng bago kong boss. "Thank you po Ma'am." Tumango siya at ngumiti. Lumabas ako ng Cafe na may Ngiti sa labi. Nag-apply ako bilang waitress sa Cafe na ito. Mabuti na lang at agad nila akong tinanggap. Kasi kung hindi baka sa oras na ito ay nag-hahanap pa rin ako ng trabaho. Mahirap makahanap ng trabaho sa panahong ito. Hindi ako makapaghintay na sabihin kay Nanay at sa kapatid ko na may trabaho na ako. Mababayaran ko na rin ang mga bills. Yung huling pera na meron ako pinangbili namin ng pagkain. Kaya sobrang saya ko na may trabaho na ako dahil may pera na kami para pambili ng mga kailangan sa bahay. Kailangan kong makapag-ipon ng pera dahil malapit ng mag-third year college an