CAMILLE POV Napatingin ako sa orasan sa wall. Ten thirty na pala pero hindi pa siya nakakauwi. Nasaan na naman ba siya? Naiinis na ako pero hindi ko naman magawang kontakin asawa ko. Onting hintay pa at kapag hindi pa siya makauwi ay bahala na siya sa buhay niya. Bumukas ang pinto hudyat na nakauwi na ang magaling kong asawa. kaya napairap ako. Narinig ko ang tunog ng sapatos niya na malapit na sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang prisensya niya na nasa likuran ko. Dama ko ang init ng hininga niya na nasa batok ko. Ang init ng labi niya na humalik sa pisngi ko. Tumayo na ako at hindi siya nilingon man lang. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni John. Nakakasawa na ang ganito ako na lang ba lagi ang iintindi? "Misis ko..." Tawag pansin niya sakin. Nagtuloy-tuloy pa rin ako sa p