CAMILLE POV Lumuhod ako para magpantay kami. Nanatiling nakaluhod si John sa harap ko at paulit-ulit na sinasabing wag ko s'yang iwan. Nabitawan ko ang hawak na maleta. Naaawa ako sa lagay niya pero sa tuwing naiisip ko na wala na syang paki sa nararamdaman ko bumabalik ang kagustuhan kong umalis at iwan siya. Pinahid ko ang luha sa mata niya at pinagdikit ang mga noo namin. Nagpilit ngiti ako sa kanya. "Di mo alam John kung gaano mo ako nasasaktan sa mga pinapakita mo sa akin. Uuwi ka kapag gustuhin mo ng umuwi. Pagkagaling mo sa work hindi mo na ako napapansin dahil mas tutok ka sa phone mo. Oo, Naiintindihan ko na may kailangan kayo pag-usapan tungkol sa trabaho pero sana maisip mo man lang na kailangan ko din ng atensyon mo. Dinaig mo pa ang may kabit dahil sa mga ginagawa mo." Sabi