CAMILLE POV Nag-paalam ako kay John. Inilihim ko sa kaniya na makikipagkita ako kay Jane. Hindi ko mapapalagpas ang lahat. Sa kaniya nag-sisimula ang problema. Hindi kami mag-aaway ni John kung hindi dahil sa kaniya. Mag-mula ng maikasal kami ni John. Naging kampante kasi ako na wala ng makakasira samin pero eto at problemado ako kung pano ko haharapin si Jane. Hindi ko maipapangako na makagawa ako ng makakasakit sa kaniya. Akala ko ay maayos na ang lahat. Hindi ko akalain na kahit mag-asawa na kami ni John ay siya pa rin ang dahilan kung bakit napapalayo ang loob ko sa asawa ko. Napapaisip ako na sana hindi na lang ako nag-pakasal kay John kung sa una palang ay mas mahalaga sa kaniya si Jane. Naniniwala ako na magiging ayos din kami ni John. Paulit-ulit ko sinasabi sa sarili na mahal