"Anong ginawa mo Bella? Iniiwas nga kita dahil ayokong masaktan ka sa mga masasakit na salita ni Papa! Pero anong ginawa mo? Hindi ka sumunod sa akin!" Galit na hiyaw sa kanya ni Enzo. "I'm sorry, Enzo," umiiyak na sagot niya. Siya ang mali, siya ang may kasalanan rito. May karapatan itong magalit sa kanya. "Damn it!" Malakas na mura ng asawa habang paroo't parito ito sa loob ng opisina. Patuloy naman siya sa pag iyak habang nakasunod ng tingin sa asawang galit na galit. "Paano ka nakarating dito?" Tanong nito. "May sumundo sa akin sa university," amin niya. "Pinasundo ka ni Papa sa tauhan niya?" Tanong nito. Tumango sya sa asawa. "Ang daming pagkakataon para tawagan mo ko Bella, pero hindi mo ginawa. Paano kung hindi ka nakita ni Dale? Malalaman ko bang narito ka sa building at nas